GENERAL SANTOS CITY – Nagbabala ngayon ang awtoridad sa General Santos City dahil sa lumalalang kaso ng sexual diseases, partikular ang human immunodeficiency virus o HIV matapos na masawi ang tatlong katao dahil sa Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS.
May halos 100 kaso ng HIV ngayon sa General Santos City, ngunit karamihan sa mga may HIV ay posibleng nakuha ang sakit sa pakikipagtalik sa ibang tao. Nakukuha rin ang HIV sa blood transfusion at maging sa syringe na ginagamit ng mga lulong sa droga.
Hindi naman mabatid kung ilan katao pa ang may HIV o AIDS dahil karamihan sa mga ito ay hindi naman nagpupunta sa pagamutan, o kaya ay hindi alam na mayroon na silang sakit.
Ang HIV ay umaatake sa kakayahan ng katawan na labanan ang anumang sakit at kung malala na ay nauuwi naman ito sa AIDS.
Bagama’t may mga gamot upang pabagalin ang pagkalat ng sakit ay lubhang napakamahal naman nito. Bukod pa rito ang stigma na dala ng isang tao na may HIV o AIDS na kadalasan ay kinakatakutan ng publiko. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News