
TACURONG CITY – Grasya! Ito ang unang reaksyon ni Jimmy Pabular nang matagpuan ang isang plastic na naglalaman ng halagang P13,500. Nakita niya ito habang naghahakot ng basura sa tapat ng St. Louis Hospital nitong nakaraang buwan lamang.
Si Jimmy ay isang garbage collector ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO, ngunit hindi ito nagdalawang isip na ibalik sa may-ari ang “grasya” na kanyang natagpuan.
“Naisip ko nga grasya eh, pero gibulsa ko kag gi-turnover ko dayon sa amon opisina sa CENRO,” kwento pa ni Pabular.
Nabatid na ang pera ay pag-aari ng burger station na binabantayan ng isang working student.
“Kung hindi po ito naisauli, hindi ko po talaga ito kayang bayaran kaya naman napakalaki ng pasasalamat ko sa mga tauhan ng CENRO sa magandang ginawa nila na pagbalik ng pera, walang labis at walang kulang,” ayon sa text message na ipinadala ng nasabing working student kay Mayor Lina Montilla nitong Enero 5.
“Nang ma-confirm na ng Human Resource nga tuod ang ginahambal sang text message, nalipay guid ako. Nagdecide kami nga hatagan si Nong Jim sang cash incentive kag i-recognize man ang CENRO,” ayon pa kay Mayor Montilla.
Pinarangalan si Pabular at ang CENRO nitong Enero 12 sa flag-raising ceremony ng City Hall.
Ang perang ibinigay kay Pabular ay mula mismo kay Mayor Montilla. “Bilang job order, hindi sakop ng ating incentive and awards program si Nong Jim, but he deserves our respect and admiration. Ang kwarta nga ini gamay lang kung ikumpara sa inspirasyon nga gihatag nya sa aton karon,” ayon kay Mayor Montilla. (Mindanao Examiner – Rose Muneza. With a report from Jezereel Louise Billano)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/