NORTH COTABATO – Patuloy na humihingi ng hustisya ang pamilya ng pinaslang na Teduray tribal chieftain at anak nito sa naganap na pananambang sa kanila sa bayan ng Ampatuan sa magulong lalawigan ng Maguindanao.
Napatay sa ambush kamakalawa ang tribal chieftain na si Orlando Santos at anak nitong si Michael, na kapwa residente ng nasabing lugar.
Sugatan rin sa atake na naganap sa Barangay Saniag ang isa pang residente na si Kimboy Fernalino. Ayon sa ulat, sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-ama ng ratratin ng di- pa nakilalang mga armadong kalalakihan habang pauwi ang mga ito.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan. Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulisya hinggil sa motibo sa krimen. Nabatid na hindi bababa sa sampu ang mga nasawing Teduray lider sa nakalipas na tatlong taon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates