
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 23, 2013) – Pinaslang ang isang scion ng kilalang Chinese family sa Zamboanga City na kung saan ay malaking problema ang walang humpay na patayan dito at pagiging inutil ng pulisya na maresolba ang daan-daang kaso sa mga nakalipas na taon.
Bumaha naman ng simpatya para sa pamilya ni Justine Raphael Wee, 22, dahil sa pagpatay sa kanya nitong Sabado ng hapon. Kumakain lamang si Wee sa isang refreshment shop sa Veterans Avenue ng ito’y lapitan ng isang lalaking nakasuot ng motorcycle helmet at saka binaril sa ulo ng malapitan.
Walang umako sa pagpatay, subali’t nagdulot naman ito malaking takot sa Chinese community dahil sa walang humpay ang patayan dito.
Bumaha ng pakikidalamhati ang Facebook account ni Wee matapos na pumutok ang balitang nabaril at napatay ito.
“A very dear friend was shot! SOMETHING MUST BE DONE! He was such an awesome kid with so much ambition and full of dreams! Justice for Justine Raphael Wee!,” ani pa ng isang kaibigan nito.
Ang iba naman ay hindi makapaniwala sa naganap kay Wee na kilala ng mga kaklase sa Ateneo de Zamboanga at mga kaibigan na tahimik, matulungin at mabait.
Nasa Amerika ang ina ni Wee at ang ibang mga kapatid naman ay nasa Maynila .
Isang prayer rally at candle-lighting naman ang idaraos ngayon Lunes sa Zamboanga City upang ihingi mg hustisya ang pagpaslang kay hindi lamang kay Wee kundi maging ang iba pang mga biktima ng pagpatay dito.
Sa kumalat na anunsyo sa Facebook ay ito naman ang nakasaad: “The Ateneo de Zamboanga University mourns and sends our condolences to the family of Justine Raphael Wee, 22 years old, one of our very promising graduate students. We also pray and beg the authorities for the immediate solution to this senseless killings and justice for Justine.”
“An inter-faith prayer rally and candlelight ceremony will be held tomorrow, Monday, June 24, 2013, for Justine Raphael Wee in front of Ateneo Campus, La Purisima St. at 3 p.m. Let’s pray for justice for Justin and other victims of senseless killing here in our City.”
Karamihan ng mga kasong pagpatay sa Zamboanga ay kagagawan ng mga hired killers na kung saan ay aktibo ang mga ito, subalit bigo naman ang pulisya at ang pamahalaang lokal na mapigil ang pamamaslang at kalimitang isinisisi ng mga ito sa mga krimen ay ang personal grudge at family feud. (Mindanao Examiner)