KIDAPAWAN CITY – Hustisya ang hiling ng maraming mga nagmamahal sa pinaslang na radio anchor na si Eduard Dizon na inilibing kamakailan lamang dito. Inilibing si Dizon sa Cotabato Memorial Park na kung saan ay binigyan ito ng military honor dahil sa naging army reservist ito.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa mga naulilang pamilya ni Dizon mula sa tinatrabahuan nitong kumpanya, ang Brigada News FM. Libo-libo ang nakilibing kung saan patuloy na nananawagan ang mga ito ng hustisya at katarungan sa pagkamatay ng mamamahayag.
Lalo pang bumuhos ang pakikiramay kay Dizon lalo na sa social media habang patuloy naman ang panawagan ng hustisya ng National Union of Journalists of the Philippines-Kidapawan City Chapter.
Inaasahan rin na mailalabas ng Special Investigation Task Group ang resulta ng kaso at matukoy ang mastermind sa pamamaslang kay Dizon, gayun rin ang bumaril sa kanya.
Matatandaang tukoy na ng pulisya ang 3 persons of interest na posibleng salarin o may kinalaman sa pagpatay kay Dizon. Nabatid na una na ring lumabas ang ibat-ibang anggulo na may kinalaman sa pagpaslang sa brodkaster. Pinatay si Dizon nitong July 10. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates