SULTAN KUDARAT – Patuloy ang panawagan ngayon ng pulisya sa mga sibilyan at rebeldeng grupo na ibalik ang mga armas at kagamitan na kanilang nakuha mula sa pinaslang na 44 Special Action Force commandos sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao province.
Ito’y matapos na isauli sa pulisya sa Maguindanao ng isa umanong magsasaka ang dalawang radio transceivers, Kevlar helmet, ballistic plate ng bullet proof vest na pagaari ng isang commando.
Sinabi ni Senior Superintendent Rodelio Jocson, ang provincial police chief, sa panayam ng Mindanao Examiner na ang mga kagamitan ay naibalik kamakailan lamang.
Nanawagan rin ang magsasaka sa kapwa nito na ibalik ang mga kagamitan at armas ng mga commandos kung mayroon man silang nakuha sa Barangay Tukanalipao na kung saan nagsagupaan ang SAF at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Maging ang suspindidong si Mayor Bai Zahara Ampatuan ng Shariff Aguak ay naniniwala na matinding pagsubok lamang ang nasabing pangyayari hindi lamang sa pamhalaan at MILF kundi maging sa lahat ng naniniwala sa kapayapaan. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News