
REPUBLIC ACTS, Revised Penal Code at marami pang ibang kahalintulad at isahog mo na rin ang hindi ko na kayang isiping mga “Task Force”, “Special Units” mula mismo sa hanay ng ating tagapag-patupad ng batas kaugnay sa aking tatalakayin subalit sa tinagal-tagal ko na sa industriya; mukhang hindi ko man lamang maramdaman at ng ating mga kababayan kasama na ang ilang sektor sa lipunan ang masasabi kong kalutasan ng lahat ng usaping ito!
Ang illegal na droga ay hindi lamang usapin sa ating bansa kundi maging sa marami pang bahagi ng mundo at hindi lingid sa ating kaalaman na higit na mas bihasa at mas komprehensibo ang mga gamit ng ibang bansa kaugnay sa naturan bunga na rin ng madalas ay “tatag at desididong” operasyon ng mga illegal na droga.
Kartel? mga ilang “mahihina” na nagagamit upang magdala ng illegal na droga idagdag mo na rin ang nakakatuksong halaga at tila wala man lamang halos kahirap-hirap na pagkamal ng pera.
Kung sa illegal na sugal naman sa ating bansa; marahil ako mismo ay naniniwala na mas likas sa sambayanang pilipino mula sa antas ng lipunan o kabuhayan sa “middle at lower class” ay nababaling ang atensiyon sa sinasabing “pakikipagsapalaran” upang kumita ng madalian gamit lamang ang sinasabing suwerte o buwenas.
Iyan lamang ba kaya ang kadahilanan kung bakit sa kabila ng mga umiiral na mga batas sa kaugnay na usapin ay patuloy pa rin sa pamamayagpag ang mga “sindikato” o di kaya ay mga “big time” sa larangang ito at tila hindi tuluyang mawala sa lipunan?
“Philippine Drug Enforcement Agency” (PDEA) mga CAIDSOTF, MAIDSOTF at iba pa na kung bibigyang puna mo nga naman ay sandamukal na ang mga huli, ikinulong, kinasuhan ay ano at nariyan pa rin ang problema sa kanilang tungkulin?
Kung ang batas na umiiral ay wasto o tama nga sa mga gumawa nito; kung ganoon nasa nagpapatupad nga ba ang diperensiya at patuloy sa pamamaygpag ang mga sangkot? O, baka naman ang ugali rin ng marami sa atin na mahilig mag-“eksperimento” na maski mali ay sige pa rin?
O, baka naman sa panig ng ating otoridad ay iyang aking napuna sa ilang kaso na napawalang sala ay ang “planting of evidence” upang masasabi lamang ninyo na kayo ay may nagagawa sa inyong gawain gayong sa katotohanan ang mga naglipanang mas “malalakas, maimpluwensiya o protektado” ay mas madalas na “malibre sa bintang” at mabaling ang pansin sa mas di naman gaano sana at “nagpapa-gamit lamang?
Katulad na rin ng illegal na sugal lalung-lalo na at partikular tayo na mismong ang “Philippine Charity Sweepstakes Office” PCSO)sa pamamagitan ng kanilang araw-araw na bola ng lotto at idagdag mo na rin ang legalidad sa mga “casino operators” na aprubado ng “Philippine Amusement and Gaming Corporation”(Pagcor) ang pangahulugan kung aking susumahin mismo palang ang pamahalaan ay nagpa-pahintulot ng sugal dahil sa malaking tulong sa ating “revenues”; bakit tila ang nababalingan nga naman ay itong mga “maliliit lamang?” Ganoon ba ang sinasabi ng batas? Para lamang ba sa piling lunan at uri ng tao sa lipunan?
Hindi ko magawang sisihin ang ating PNP sa partikular sa usaping ito dahil sa lantaran ding may indulhensiya ang ilan sa hanay ng ito bagamat hindi naman sana dapat subalit sa aking pag-aanalisa; ang nasabing pamamaraan ay maibsan man lamang ang pangamba ng maraming sangkot o “operators” ng illegal na sugal upang mamayagpag isahog ko na rin ang sinasabing “continues patronage” ng marami nating kababayan.
Hindi rin ako sang-ayon sa ilang sinasabi ng lokal na pamunuan base umano sa suhestiyon ng ilang sektor na gawing legal na lamang ang operasyon ng illegal na sugal; unang dahilan na lamang ay ang katotohanang hindi maaring saklawan ng lokal na batas ang umiiral na batas sa kapuluan habang sa kabila nito ay tanging ang mga otorisado lamang ng batas na mga ahensiya ang may karapatang magbigay ng tamang aksiyon sa nasabing bagay at kapag ito ay naisa-katuparan, mas naniniwala ako na higit na marami ang aabuso.
Ang “Jueteng” sa bahagi ng Metro Manila at Luzon, ang mga sugal sa Visayas at Mindanao na “Last four, three, at two” na pawang hango sa bola ng lotto; sinu-sino nga ba ang mas nakikinabang?
Droga at sugal- basta napapaloob sa illegal batay sa isinasaad ng batas: ang kalutasan lamang na aking nalalaman ay ang pagsama-sama ng sambayanan at mga sektor sa lipunan upang ang mga ito ay labanan kasabay na lamang ng pang-unawa sa mga “naatasan o tagapag-patupad” na nalalabuan lamang.
Buenas Dias, Isang maganda at maka-Diyos na araw ang aking bati sa lahat!(leod164@gmail.com)