
ILIGAN CITY – Pumutok kahapon ang balitang nadakip ng mga awtoridad sa Iligan City ang isang Indonesian na umano’y asawa ng napaslang na ISIS commander na si Omar Maute.
Kalat sa social media ang pagkaka-aresto kay Minhati Midrais at 6 pang mga diumano’y anak nito kay Maute na napatay ng militar nitong buwan lamang sa Marawi City.
Nilusob ng mga tropa at police commando ang isang bahay sa Barangay Tubod na kung saan ay nabasyo si Midrais. Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng Western Mindanao Command ukol sa pagkakadakip sa dayuhan.
Ayon naman sa ibang ulat, nabawi rin sa bahay ang mga blasting caps na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog. Hindi pa mabatid kung miyembro ng ISIS si Midrais at kung paano itong nakapasok sa bansa at kung may mga kasamahan ito na nagtatago sa Iligan o sa ibang bahagi ng Mindanao.
Lalong naghigpit ang mga awtoridad sa Iligan City at nagdagdag pa ng mga checkpoints sa ibat-ibang lugar. Maging ang mga pasahero ng provincial bus ay pinabababa ng mga parak upang matignan ang kanilang mga identification cards. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper