
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / May 15, 2012) – Nabulabog kahapon ang maraming media at mga mamamahayag hindi lamang sa Mindanao, kundi maging sa Luzon at Visayas matapos na isang journalist ang nagpadala ng mass email upang mai-rekomenda ito bilang opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples.
Tinatayang nasa 200-300 mga media outfits at mamamahayag ang nakatanggap ng liham mula sa isang Cesar Lanos na journalist umano sa Davao Oriental at doon ay nakapaloob ang kanyang ambisyon na maging isa sa mga commissioners ng NCIP.
“Please recommend me to President Benigno Simeon C. Aquino III as Commissioner of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) representing Southern Mindanao Region,” ani Lanos.
Itinuro pa nito sa kanyang email kung paano ang gagawin at kung saan ipadadala ang kanyang pagsusumamo. “Please address your recommendation to: H.E. BENIGNO SIMEON C. AQUINO III, President, Republic of the Philippines, Malacañang Palace
Manila.”
Isinulat pa nito na dapat ipasa rin sa Facebook account ni Pangulong Aquino ang naturang rekomendasyon.
“Mr Lanos, You can apply yourself for the position. Media are not in anyway engage in influence peddling. Good luck!,” ani naman ng regional media na Mindanao Examiner sa tugon nito kay Lanos. (Mindanao Examiner)