
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 13, 2012) – Inararo ng ipo-ipo ang tatlong Sitio sa Maguindanao province at ayon sa ulat ng mga awtoridad ay may 25 bahay ang nadale ng malakas na hangin nito.
Naganap ang ipo-ipo pasado alas 3 ng hapon kamakalawa sa Barangay Polloc sa bayan ng Parang.
Umabot naman sa mahigit dalawang dosenang pamilya ang apektado ng ipo-ipo matapos na masira ang kanilang mga kubo. Wala naman inulat na nasaktan sa ipo-ipo at mabuti na lamang ay umano ay sa hapon ito naganap at hindi gabi.
Maging ang Zamboanga City ay tinamaan rin ng malakas na hangin at ulan nuong Huwebes ng gabi, ngunit wala naman inulat na sugatan o nasaktan. (Mindanao Examiner)