COTABATO CITY – Hiniling ngayon ng dalawang Mindanao-based human rights groups kay presumptive president-elect Rodrigo Duterte na isama ang mga Muslim na nakapiit sa mga bilangguan dahil sa mga maling bintang at akusasyon laban sa kanila.
Sinabi ng Suara Bangsamoro at Kawagib Moro Human Rights na karamihan sa mga ito ay mga inosenteng sibilyan na inaresto ng militar at pulisya sa kasagsagan ng operasyon ng pamahalaang Arroyo kontra Abu Sayyaf noon 2001 sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at iba pang bahagi ng Mindanao at sa kamaynilaan.
Mahigit sa 200 Muslims ang umano’y biktima ng illegal arrest at karamihan sa mga ito ay pinahirapan upang paaminin sa mga kasalanang hindi nila ginawa. Nanawagan rin ang mga human rights groups kay Duterte na pag-aralang muli ang kaso ng 224 mga Muslim na dinakip matapos ng Zamboanga siege noon 2013. Pinagbintangan umano sila na miyembro ng Moro National Liberation Front na umatake sa Zamboanga City.
“Suara Bangsamoro and Kawagib Moro Human Rights hope that through the amnesty program of the presumptive president, justice will be rendered to the victims and their families and will help address the historical injustice of military solution to the conflict in the Moro areas, of using discriminatory policies against the Moro people such as equating terrorism to their identity and struggle,” ayon sa kanilang pahayag sa Abante.
Naunang Sinabi ni Duterte na maglalabas ito ng general amnesty sa lahat ng political prisoners bilang panimula sa peace talks nito sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines. Mahigit sa 500 mga political prisoners ang nakapiit ngayon sa buong bansa at karamihan sa mga ito ay rebeldeng komunista. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper