Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • ISIS nakakuha ng recruits sa Davao
  • Uncategorized

ISIS nakakuha ng recruits sa Davao

Editor August 25, 2014
Terrorist

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Aug. 25, 2014) – Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may na-recruit ang grupong ISIS sa kanyang lugar at ikinababahala ito ng pulitiko.

Maging ang pag-amin ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng suporta nito sa ISIS ay inulutang rin ni Duterte. Sinabi nito na may mga natanggap na siyang ulat ukol sa mga recruit ng ISIS sa Davao at katunayan ay naka-alis na umano ang mga ito at posibleng nakikipaglagban na sa Iraq at Syria.

Nirerespeto umano ni Duterte ang prinsipyo ng bawat isa at tanging hiling lamang nito ay hindi madamay ang Davao.”Dako man ko respeto basta prinsipyo na. I just hope dili ma generate into something bad for us here. They are driven by religious principles. Islam is a very good religion. I just hope that they are there to fight for religious purposes and not for hatred. I just hope that they are well there. Whatever it is, they are still Filipinos,” ani Duterte.

Kalat na ang suporta sa ISIS ng ilang mga grupo sa Mindanao at sa Marawi City lamang ay halos mga kabataan ang nasa likod nito. Karamihan sa mga ito ay sumusuporta sa Islamic caliphate na isinusulong ng ISIS at nais na isulong ito sa Mindanao na dating nasa ilalim ng kapangyarihan ng Sultanate.

Maging ang Abu Sayyaf ay nagbigay na rin ng kanilang suporta sa ISIS at kamakailan lamang ay sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na mahigit sa 100 Pinoy ang ngayon ay nasa Iraq at sumama na sa ISIS.

Dedma lamang ang militar sa mga ulat ukol ng suporta ng mga grupo sa Mindanao sa ISIS. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga widower ends own life
Next: Granada sumabog sa labas ng kapilya sa Maguindanao

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.