
SULU – Dinumog ng napakaraming tao si Gov. Toto Tan ng bumisita ito sa island-municipality ng Siasi upang pasinayaan ang ika-112 na anibersaryo ng naturang bayan.
Isa ang Siasi sa pinakamaganda at malaking bayan sa Sulu at kinabibilangan ito ng mga isla ng Laminusa, Tara, Silumpak, Bulikullul, Punungan, Parangan, Yaro, Pandugas, Paturuan, Puh Tainga, Liguisan, Suucan, Tutupika, Sibihing, Sunba-Sumba, Kalumang at Kansina.
Mistulang artista si Gov. Toto sa kapal at dami ng mga taong sumalubong sa kanyang pagdating at kasama rin nito ang mga mayors ng ibat-ibang munisipyo at provincial board members.
Pinangunahan ni Siasi Mayor Mussah Muksan ang mainit na pagtanggap kina Gov. Toto.
Sa mensahe ni Gov. Toto ay binati at pinuri nito ang mga taga-isla at opisyal ng Siasi sa pananatili ng kagandahan at pag-unlad ng bayan at maayos na pamamalakad nito.
“I congratulate all the officials and community leaders of the municipality of Siasi as you commemorate the 112th founding anniversary of this beautiful island. We are glad to note that Siasi is on the right track with the holding of the event with a notable theme of – Community Involvement: Factors toward Peace and Development – and as Tausug, we have more reasons to strive for excellence in all fields of endeavor and break the shackles that seem to arrest our march towards a brighter horizon.”
“True peace and meaningful development are preconditioned on our cohesiveness as a people and on our resolve to effect the changes that we seek for Sulu. For more than a century since its founding Siasi has took steady steps to grow from an isolated island to what it is now – a shining jewel in the Sulu Sea. I join the local government and constituents of Siasi in their eventful celebrations,” ani Gov. Toto.
Ilang beses rin naputol ang talumpati ni Gov. Toto dahil sa lakas at paulit-ulit na palakpakan at hiyawan ng mga tao. Si Gov. Toto ay muling tumatakbo sa parehong posisyon sa nalalapit na eleksyon. Inaasahang landslide pa rin ang magiging panalo nito dahil sa malaking suporta nito sa mga mamamayan at tiwali sa kanya ng publiko.
Maging si Vice Gov. Sakur ay nagparating rin ng mensahe dahil hindi ito nakasama sa dami ng mga inaasikasong trabaho.
“I rejoice with the constituents and local government unit of Municipality of Siasi in their celebrations of the 112th founding anniversary. The involvement of all stakeholders in the peace, unity and development efforts leading to harmonious and forward-looking citizenry will vouch for the success of the government endeavors.”
“I hope that the people of Siasi and the local government will keep alive the flame of inspiration as they move forward towards the noble aspiration of putting in place a responsive and pro-active governance,” sabi pa ni Vice Gov. Sakur na tumatakbo bilang governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na halalan at suportado ng mga governors ng ARMM at mga civil society groups, religious at business sectors, bukod sa iba pa.
Kasama rin ng mga opisyal sa naturang pagdiriwang ang mga lider ng pulisya at militar, at mga kinatawan ng ibat-ibang sektor sa Sulu. (Ahl-franzie Salinas)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper