
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 9, 2013) – Hinila ngayon Miyerkules ni ex-Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalsojos ang daan-daang mga barangay officials ng Zamboanga City upang bigyan sila ng grand post-Christmas party sa kanyang Dakak Resort sa Dapitan City.
Kabilang sa mga naimbitahan ay ilang mga piling reporters upang masaksihan ang ma-garbong party sa nasabing resort.
Si Jalosjos ay tumatakbong mayor sa Zamboanga City laban kay Rep. Maria Isabelle Climaco at Rep. Erico Fabian sa kabila ng pagbasura ng Commission on Elections sa voter’s registration nito.
Maging ang apela ni Jalosjos, na isang convicted child rapist, sa Municipal at Regional Trial Courts ay nabasura rin dahil sa isyu ng pagkakabilanggo nito ng mahabang taon at sa pinaiksing termino kung kaya’t napalaya. Nakulong ito matapos na i-reklamo ng panggagasa ng isang batang babae na noon ay 11-anyos lamang na ibinugaw ng kanyang ama-amahan.
Hindi naman sumama ang ibang mga opisyal na ka-alyado nina Salazar at Mayor Celso Lobregat sa takot na mapagalitan umano.
Si Jalosjos at Lobregat ay kabilang sa mga pinakamayamang pulitiko sa buong bansa. (Mindanao Examiner)