ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang pasahero at halos 20 iba ang sugatan matapos na bumaligtad ang kanilang sinasakyang jeep sa Basilan province.
Karamihan sa mga pasahero at pauwi na sa kanilang lugar sa bayan ng Sumisip mula Isabela City ng maganap ang aksidente nitong June 10. Mabilis umano ang takbo ng jeep ng bumagligtad ito matapos na mawalan ng kontrol ang driver sa kanyang manibela.
Nahaharap sa kaso ang driver ng jeep na nakilalang si Kitang Angulo na kabilang rin sa mga sugatan.
Hindi naman mabatid kung sasagutin ba ng operator ng jeep ang pagpapagamot sa mga sugatan at nasaktan, at ilan umano sa mga ito ay ililipat pa ng pagamutan sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News