Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Jeep inanod ng baha, bata nilamon ng ilog

Jeep inanod ng baha, bata nilamon ng ilog

Editor January 14, 2014
Mascot4
 

 
 
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Jan.14, 2014) – Hindi pa rin matagpuan hanggang ngayon ang nawawalang anak ng isang parak matapos na tangayin ang jeep na kanilang sinasakyan sa gitna ng rumaragasang tubig ng ilog sa gitna ng spillway sa Zamboanga del Sur.
Minamaneho ni PO1 Nemesio Batingal ang jeep sakay ang 12 pasahero ng anurin ng tubig ang kanilang sasakyan at bumalugtad ito sa ilog sa Barangay San Jose sa bayan ng Mahayag. Bagama’t lahat ay nakaligtas at nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan ay hindi naman matagpuan si Cyrus Jade Batingal, 11.
Nakilala naman ang ibang mga pasahero na sina Jerson Bacus, 19; Jervy Bacus, 18; Julito Paraiso, 52; Alberto Tejero, 38; Elizer Gaed, 31; Tarot Untag, 37; Roger Managing, 44; Alvin Parba; Derio Alvarico, 53;  Edward Marababon, 36; Roel Quizon, 25; at isa pang hindi agad nabatid ang pangalan. Nakisakay lamang ang 10 sa kanila upang makatawid sa umaapaw na ilog, ayon sa pulisya.
Ngayon ay nagtulong-tulong ang mga kasamahan ni Batingal at mga residente doon upang hanapin ang nawawalang bata. Nagpadala na rin ng sundalo ang 1st Infantry Division upang tumulong sa paghahanap, ayon naman kay Capt. Jefferson Somera, ang spikesman ng army.

Mahigit sa isang dosena na ang inulat na nasawi sa flash flood at landslide sa Mindanao sanhi ng malawakang pagbuhos ng ulan dahil sa low pressure area na bumabalot sa Mindanao sa mga nakalipas na araw. 

Sa bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ay maraming mga kabahayan sa dalampasigan ang hinampas ng malalaking alon. Wala naman inulat na nasawi doon. Hindi naman agad ma-contact si Mayor Hussin Amin ukol dito. (Mindanao Examiner)
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga ferry escort drowns
Next: Storm surge destroys 200 houses in Sulu

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.