Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Jinkee Pacquiao tatakbo bilang Sarangani governor!

Jinkee Pacquiao tatakbo bilang Sarangani governor!

Editor October 2, 2012
Jinkee-is-running-as-vice-governor-of-Sarangani
Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao habang naghahain ng kanilang certificate of candidacy sa Sarangani province sa larawan ito ng kuha ni Cocoy Sexcion ng Sarangani Provincial Office.

GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / Oct. 2, 2012) – Hindi pa nakuntento bilang congressman ay isinabong pa ni Manny Pacquiao ang kanyang asawang si Jinkee na naghain kanina ng kanyang kandidatura bilang vice governor ng Sarangani province sa Mindanao.

Magkasabay sina Jinkee at Manny na naghain ng kanilang mga certificates of candidacy sa Commission on Elections sa naturang lalawigan, at gayun rin si Sarangani Vice Governor Steve Solon na tatakbo naman bilang governor sa ilalim ng grupong People’s Champ Movement ng mambabatas.

Si Manny ay muling sasabak sa halalan bilang reelectionist sa sariling grupo.
Ikinagulat ng marami ang biglang pagpasok ni Jinkee – na dating sales lady ng isang cosmetic product sa General Santos City – sa pulitika dahil hindi naman ito nabalita sa media at wala rin itong sinasabi ukol sa kanyang plano.

Ngunit hindi kay Jinkee nagtapos ang isyu at may balita na maging ang kapatid umano ni Manny na si Rogelio ay tatakbo rin congressman sa General Santos City.

Hindi naman mabatid kung ano ang plano ni incumbent Sarangani Governor Migs Dominguez na ngayon ay nasa ikatlo at huling termino na. May bulungan na target ng bilyonaryong si Manny ang pagka-Pangulo sa 2016, ngunit ngayon pa lamang ay nagging isyu na ang political dynasty sa pamilyang Pacquiao. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga niyanig ng lindol
Next: We Protest

Trending News

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi Health-mission 1
  • Mindanao Post

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi

May 28, 2025
911 in Camiguin town logs over 500 calls since January Service-expansion 2
  • Mindanao Post

911 in Camiguin town logs over 500 calls since January

May 28, 2025
Commander Bravo reaffirms support for peace efforts in Mindanao Peace-dialogue 3
  • Mindanao Post

Commander Bravo reaffirms support for peace efforts in Mindanao

May 28, 2025
Aquaponics to conservation: How a young farmer is growing change Bountiful-harvest 4
  • Featured
  • Mindanao Post

Aquaponics to conservation: How a young farmer is growing change

May 28, 2025
PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement BIR-Double-Taxation 5
  • Business

PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement

May 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.