Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • ‘Jose Pidal’ patay na!
  • Uncategorized

‘Jose Pidal’ patay na!

Editor January 26, 2012

MANILA (Mindanao Examiner / Jan. 26, 2012) – Patay na umano si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo matapos na atakihin sa puso sa London na kung saan ito napabalitang nagpapagamot dahil sa kanyang sakit sa atay.

Sa ulat ngayon araw ng RMN ay kinumpirma diumano ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ang pagpanaw ng kapwa kontrobersyal na nakababatang kapatid.

“Patay na si Congressman Iggy Arroyo dahil sa cardiac arrest. Sa report ni Rey Nadar, tumawag sa kanya si dating First Gentleman Mike Arroyo at kinumpirma niya ang pagpanaw ng kanyang  kapatid habang nagpapagamot ito sa London.”

“Wala pang malinaw na detalye hinggil sa burol ng bayaw ni dating pangulong  Gloria Arroyo pero tiniyak ni Atty. Mike na i-uuwi sa bansa ang bangkay nito. Matatandaang nagtungo sa London si Congressman Iggy upang magpagamot sa kanyang liver ailment,” ani pa ng RMN.

Matatandaang Inako ni Ignacio ang bang account na nakapangalan sa isang Jose Pidal sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado noon ukol sa tagong-yaman ng mag-asawang Jose at dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ilan linggo ng nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado ng biglang akuin ni Ignacio na siya umano si Jose Pidal at kanya ang daan-daang milyong pisong nakaimbak sa bangko.

Si Senador Panfilo Lacson ang naglabas ng impormasyon ukol sa “Jose Pidal Account” na diumano’y ginamit na pangalan ni Jose Arroyo upang itago ang salapi.

Naging maiinit na talakayin sa social networking site na Facebook ang pagpanaw ni Ignacio, subali’t halos walang simpatiya ang maraming mga sumusubaybay sa balita dahil sa naging papel ng mambatatas sa mga diumano’y anomalya ng mag-asawang Arroyo.

Itinanggi noon ng mag-asawang Arroyo ang lahat ng bintang laban sa kanila. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Lapid’s wife arrested in US for smuggling $50,000: ABS-CBN, Philippine Star
Next: Sayyaf timbog sa Basilan

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.