
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 23, 2012) – Isang magsasaka ang nahaharap sa kasong parricide matapos nitong mapatay sa gulpi ang kanyang kinakasama sa Zamboanga City.
Sinabi kahapon ng pulisya na sasampahan nila ng kasong kriminal si Sonny Falcatan, 36, na umano’y pumatay kay Juliet Ramillano, 32. Nabatid pa sa mga kapit-baha na madalas gulpihin ni Sonny ang kinakasamang babae lalo na kung tuwing nakainom o lasing ito.
Nadakip si Sonny matapos na tumawag ng pulis ang mga kapit-bahay dahil sa malakas na hiyaw at pag hingi ng tulong ni Juliet. Naitakbo pa sa pagamutan ang babae, ngunit bumigay rin ito dahil sa matinding gulpi na natanggap mula sa lasengong asawa.
Gumagamit rin umano ng droga si Sonny, na ngayon ay nakapiit sa bilangguan. Inaasahan ang pagsasampa ng kasong parricide kay Sonny sa mga darating na araw. (Mindanao Examiner)