KIDAPAWAN CITY — Maayos at maagap na pagtugon sa mga problema at hinaing ng mga concessionaires ang susing ng pamunuan ng Kaabcan Water District o KWD sa bayan ng Kabacan, North Cotabato para makamit ang titulong ‘Outstanding Water District’ sa Category C sa buong Mindanao.
Ito ayon kay Information Assistant officer Ruby Torres sa naging panayam ng DXND-Radyo BIDA Kidapawan.
Ang parangal ay iginawad ng Local Water Utilities Administration (LWUA) nito lamang Setyembre a-17 sa Philippine International Convention Center na nasa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City, Metro Manila.
Dahil dito, mas lalo pang pag-iibayuhin ng mga kawani at empleyado ng KWD ang kanilang serbisyo sa mamamamyan sa pamumuno ni General Manager Ferdie Mar Balungay.
Bukod sa nabanggit ay tumanggap din ng dagdag na parangal ang Kabacan Water District na National Awardee for Outstanding Performance (Lowest Non-Revenue Water).
Sinabi ni Torres na isa sila sa may pinakamamabang system loss sa kanilang operasiyon, kagaya ng leak o pagtagas ng tubig na di dumadaan sa metro.
Giit pa nito na hindi naman nila pinapasa sa mga konsumedures ang kanilang system loss, bagkus ay ang Water District na ang umaako dito. (Rhoderick Beñez)