SA KABILA ng pagsisikap ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Zamboanga na linisin ang mga kalsada mula sa mga obstruction o mga bagay na nakakasagabal sa publiko, patuloy naman ang paglabag dito ng marami, partikular ang mga motorista at negosyanteng may mga puwesto sa bangketa.
Sa Pettit Barracks sa downtown Zamboanga ay mistulang pribadong parking area na ang covered path walk o sidewalk ng mga pribadong sasakyan at pampasaherong jeep at wala ni-isang barangay tanod at parak sa lugar na tutulong sa pamahalaan na pagbawalan ang parking doon. Napipilitan tuloy ang mga pedestrian na sa kalye na lamang maglakad sa kabila ng naka-ambang peligro.

Ganoon rin sa Tomas Claudio at sa La Purisima Streets at iba pang lugar sa sentro ng Zamboanga na tadtad ng mga illegal parking at vendors at wala rin makitang mga barangay tanod doon kahit noon pa.
Matatandaang mismong si Mayor Beng Climaco at City Administrator Apple Go ang nangunguna sa “cleanliness campaign” matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayors ang pagtatanggal ng mga obstruction sa lahat ng pampublikong kalsada.
Dahil sa kautusan ni Duterte, mismong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagbantang kakasuhan ang mga barangay chairmen na mabibigo sa paglilinis ng kanilang nasasakupang lugar.
“We have been deluged by complaints from the people about barangay captains who are failing to act and worse being complicit and actively tolerating road obstructions. The mayors have to make them accountable because that’s their mandate and responsibility,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Sinabi pa ni Malaya na sa ilalim ng Local Government Code, ang mga mayors ang may “disciplining authority” sa mga barangay chairmen. “Impose your authority,” wika pa ni Malaya.
“Tapos na ang eleksyon. Trabaho na ngayon. Regardless of whether kapartido o hindi, they (mayors) should suspend or reprimand barangay captains who do not comply with the President’s directive.” “Sabi nga ni (DILG Secretary Eduardo) Secretary Año, imposibleng wala silang alam sa pagtatayo ng mga road obstruction na ‘yan. It is just proper that they rectify their actions by cooperating to the clearing operations of the local government unit,” dagdag pa ni Malaya.
Maging si Climaco ay nagbigay rin ng babala sa mga ito na maaari silang maharap sa disciplinary sanctions. Pinangungunahan rin nina Climaco at Go, kasama ang mga opisyal ng mga barangay, ang “Oplan Baklas” upang matiyak na masusunod ang kautusan ng Pangulo.
“We will implement President Duterte’s order, not only do we clean up the roads and sidewalks, but also we enforce the anti-littering, anti-garbage and anti-traffic laws and city ordinances,” ani Climaco. “We expect all other barangays to do the same as monitoring will be done by the City Government which is tasked to submit report of compliance to the DILG. Disciplinary sanctions will be imposed on barangay officials who will fail to comply with the order within 60 days,” dagdag pa ni Mayor. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates