Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Kampo ng Maute, pinostehan na ng militar
  • Featured
  • Mindanao Post

Kampo ng Maute, pinostehan na ng militar

Desk Editor April 25, 2017

ILIGAN CITY – Pormal ng inanunsyo ng militar ang pagkakabawi sa malaking bahagi ng bayan ng Piagapo sa lalawigan ng Lanao del Sur mula sa jihadist Maute group matapos ng ilang araw na sagupaan doon.

Nabawi rin ng mga tropa ang iba’t-ibang pampasabog, bala at mga armas, gayun rin ang mga bandila ng Islamic State na ginagamit ng Maute group. Sinabi ni Brig. Gen. Rolando Bautista, commander ng 1st Infantry Division, na maraming mga miyembro ng Maute ang nasawi sa sagupaan, kabilang ang isang Indonesian militant.

Naglagay na rin ang mga sundalo ng bandila ng bansa sa naturang lugar bilang simbolo ng pagkakabawi sa kampo na ginamit ng Maute. Ilang dosenang mga fox holes at bunkers ang natagpuan sa lugar. May mga sundalo na rindoon upang matiyak na hindi muling magagamit ng Maute ang kampo.

Sa kabila nito, sinabi ni Bautista na patuloy pa rin ang kanilang operasyon upang matunton ang mga nakatakas na jihadists. Libo-libong katao naman ang hanggang ngayon ay nasa iba’t-ibang evacuation center sa Piagapo.

Pinatututukan na rin ni Gov. Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang mga pangangailangan ng mga evacuees upang matulungan sila habang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga lugar. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Armas, pampasabog nakuha sa bahay ng ‘Sayyaf’ parak
Next: JROOZ Offers Month-End Promo

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.