
Sa kabuuan sinabi ng mga ito na mas marapat ay umiral ang pagiging mahinahon ng mag-kabilang panig at dapat umano na sa lalong madalinmg panahon ay maresolba o mabigyan ng malinaw at maayos na kasagutan ang sambayanang Pilipino kaugnay sa madugong insidente na tiyak anila ay nagsalang sa kredibilidad ng mga nag-uusap mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front at maging sa pamahalaan Aquino.
Ayon pa pa kay Barangay Kapitan Sancho Salamanca ng Katiku, hindi aniya dapat pang palawigin ang isyu o usapin at sa puntong naturan aniya ay magpakita ng katapatan ang MILF at pamahalaan sa tunay nilang layon sa nangyaring insidente.
Dapat din aniya na umiral ang mahinahong pag-uusap ng magkabilang panig sa pag-resolba sa isyu habang bigyang priyoridad aniya ang hustisyang hangad ng mga 44 na nasawing SAF commandos at maging sa hanay ng MILF rin. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News