KIDAPAWAN CITY – Nangisay hanggang namatay ang isang 38-anyos na karpintero matapos na makuryente sa inaayos na linya ng kuryente sa rooftop ng ginagawang bahay sa Purok Roxas Barangay Tiguman sa Digos City.
Kinilala ang biktima na si Alexander Munsad Artiaga, may asawa at nakatira saBarangay Tukson. Nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi kamakalawa.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakuryente ang biktima dahil sa kawad ng kuryente sa ginagawang bahay na pagaari ni Totong Lagare.
Bigla umanong nangisay ang biktima hanggang sa mahulog ito. Mabilis namang isinugod si Artiaga sa pinakamalapit na ospital pero ideneklarang patay ng mga attending physician. (Rhoderick Beñez)