ZAMBOANGA CITY – Nahaharap sa kaso ang isang residente dito matapos na umano’y ireklamo ng kanyang asawang Malaysiana ng pambubugbog.
Dinakip ng pulisya ang suspek na si Dakula na kilala rin sa pangalan Asibi matapos na iligtas ng awtoridad ang asawa nitong si Munera Mohamed sa kanilang bahay sa Barangay Baliwasan.
Nabatid na nagsumbong si Munera sa kanyang pamilya sa Sabah at humingi naman ng tulong ang mga ito sa Malaysian government. At sa pamamagitan ng aksyon ng embahada nito sa Maynila ay nailigtas ang babae mula sa mapag-aping asawa nito.
Nagkakilala umano ang dalawa sa Sandakan at doon rin ikinasal noon 2013, ngunit sa Zamboanga City naman nanirahan ang mga ito. Hindi naman sinabi ng pulisya kung bakit sinasaktan ni Dakula ang kanyang asawa dahil iniimbestigahan pa umano ito.
Balak rin ni Munira na bumalik na lamang sa Sandakan at iwan ng tuluyan ang 23-anyos nitong asawa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News