
DIPOLOG CITY (Mindanap Examiner / Apr. 21, 2014) – Pinaghahanap ng pulisya ang 55-anyos na lalaki matapos umano nitong isama ang teenager na kanyang nililigawan sa bayan ng Baliguian sa Zamboanga del Norte province.
Dumulog sa pulisya ang pamilya ng 16-anyos na biktima at sinabi na isang araw itong nawala matapos na isama ni Ferdinand Franco, isang crew ng fishing boat at nanliligaw sa teenger, ng walang permiso sa mga magulang ng dalagita.
Huling nakita nitong Abril 19 ang teenager kasama si Franco na sakay ng isang scooter patungo sa bayan ng Gutalac. Umuwi lamang ang bata kinabukasan na, ngunit hindi naman agad mabatid kung ano ang nangyari sa kanya.
Mahigit na umanong isang buwan nililigawan ni Franco ang bata, ngunit hindi na matagpuan ito mula ng umiwi ang teenager.
“The suspect Ferdinand Franco is still at large. The Baliguian Police Station is now preparing proper charges to be filed in court against the perpetrator,” ani Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman.
Wala pang ibinigay na pahayag ang pamilya ng teenager. (Mindanao Examiner)