
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / June 18, 2014) – Isang lalaki ang nag-amok at napatay nito ang kanyang asawa at anak at isa pang trabahante ng Japanese fruit exporter na Sumifru sa bayan ng T’boli sa lalawigan ng South Cotabato.
Nabatid na hinahanap umano ni Gerry Piyang ang kanyang asawa sa bunkhouse ng kampanya sa hinalang may kalaguyo ito. At ng hindi matagpuan ang asawa ay pinagbabaril naman nito ang naturang lugar at napatay si Alvin Sumili.
Isa pang trabahador ang sugatan, samantalang ang iba naman ay agad na nakasibat ng marining ang putok ng baril sa akalang umatake ang mga rebelde sa Barangay Datal.
Napag-alaman na pinatay ni Piyang ang pamilya ng ito’y bumalik sa kanilang bahay at maabutan ang asawa at anak. Agad rin tumakas si Piyang at ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad. (Mindanao Examiner)