ZAMBOANGA CITY – Inalat ng husto ang isang lalaki na nagyayabang sa kanyang pagdadala ng baril matapos na dakpin ng pulisya ng matiyempuhan ito sa bayan ng Tungawan bitbit ang kanyang armas.
Wala umanong maipakitang lisensya at permit to carry si Manap Tarawi ng ito’y masita sa sa Barangay Tigpalay. Nabatid na pauwi sa Zamboanga City ang grupo ni Supt. Ariel Huesca at tatlong iba pa mula bayan ng Ipil ng makita nilang nagkakabit ng magazine ng .45-caliber pistol si Tarawi sa highway.
Walang maipakitang papeles si Tarawi maliban sa diumano’y mission order. Dahil dito ay inaresto si Tarawi at ngayon ay nakapiit sa kulungan habang inihahanda ang kaso laban sa kanya dahil sa ilegal na pagdadala ng armas. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News