Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Kelot patay matapos na mang-agaw ng armas sa sundalo
  • Featured
  • Mindanao Post

Kelot patay matapos na mang-agaw ng armas sa sundalo

Desk Editor April 4, 2016

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos nitong tangkain agawin ang armas ng isang sundalo sa kampo ng Philippine Army sa Zamboanga City.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Hamison Marani, 30. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang katawan matapos na paputukan ni Corporal Novin Guzman na siyang sentinel ng naturang kampo sa malayong Barangay ng Mutin nitong Abril 3.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Chief Inspector Rogelio Alibata, ang regional police spokesman, na unang humingi ng tubig na maiinum si Marani sa sundalo at agad naman itong binigyan.

Matapos na makainom ay sinabihan ni Guzman ang lalaki na maaari na itong umalis dahil bawal ang sibilyan sa naturang kampo. Ngunit bigla na lamang sinunggaban ni Marani ang automatic rifle ng sundalo at mabuti na lamang ay hindi nakuha ng lalaki ang armas.

Nag-warning shot pa ang sundalo, ngunit sinugod pa rin ito ng lalaki habang armado ng malaking tipak ng bato at pilit na sinasaktan upang makuha ang armas. Dito na pinaputukan ng isang beses ni Guzman si Marani na tinamaan sa kanyang tagiliran.

Mabilis rin sumuko si Guzman sa kanyang commanding officer ng si Capt. Ian Kher Inot ng 21stInfantry Battalion at dinala nito sa presinto ng pulisya ang sundalo habang inaayos ang kaso.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo ni Marani sa kanyang ginawa. (Mindanao Examiner)

Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: After the flood: Vienna’s struggle to make its refugee residents feel at home – The Guardian
Next: 3 injured in bomb blast in Cotabato

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.