ZAMBOANGA CITY – Timbog ang isang suspected drug pusher matapos itong masilo ng mga parak sa isinagawang buy-bust operation sa Zamboanga City.
Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ni Ryan Tumapang, 29, dahil sa dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nabawi sa kanya, at isang .45-caliber pistol at mga bala, gayun rin ang isang replica ng M16 automatic rifle, isang badge ng PNP at mga drug paraphernalia at P200 marked money.
Pinangunahan ni Insp. Johnny Gargar ang naturang operasyon sa Navarro Road sa Barangay San Jose-Cawa-Cawa nitong Hunyo 3. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek, ngunit iniimbestigahan pa rin ito ng pulisya at ang armas na nabawi sa kanya ay ipinasa na sa crime laboratory upang malaman kung ito ba ang ginamit sa krimen.
Hindi sinabi ng pulisya kung may permit o lisensya ang nasabing armas. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News