
TACURONG CITY (Mindanao Examiner / Aug. 1, 2014) – Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng mga armadong nakamotorsiklo sa Tacurong City sa Sultan Kudarat province.
Sinabi ng pulisya na sakay ng kanyang kotse ang biktima kasama ang isang babae ng ito’y ratratin ng 4 na kalalakihan sa Barangay New Carmen kamakalawa ng hapon. Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si John Yog.
Agad na tumakas ang mga salarin at ayon sa pulisya ay hindi naman nasugatan ang babae na nagsabing syota nito ang biktima.
Walang umako sa pamamaslang at hindi pa malinaw ang motibo sa atake habang patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang kaso. (Rose Muneza at Sheen Pania)