ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang mangingisda matapos itong barilin kahapon ng madaling araw dahil sa pagtanggi umano ng biktima sa utos ng isang siga na ibili ito ng droga sa Zamboanga City.
Nakilala ang bitkma na si Henry Sahim, 45, na ngayon ay nasa pagamutan dahil sa tama ng bala mula .45-kalibre matapos itong barilin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “Mad”.
Nasa lamayan umano si Sahim sa Barangay Baliwasan ng ito ay tawagin ng suspek at inutusang umiskor ng droga. Agad naman tumanggi si Sahim sa kagustuhan ni Mad dahil ilegal ito, ngunit agad naman bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan ang mangingisda.
Nabulabog rin ang lamay dahil sa pamamaril. Agad naman tumakas ang suspek na kilalang siga sa naturang lugar. Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa suspek. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper