Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Kemikal naharang sa Zambo Sur

Kemikal naharang sa Zambo Sur

Editor September 28, 2014
PNP-2B2-2Bcopy1

PAGADIAN CITY – Hawak ng pulisya ngayon ang isang truck driver at kanyang helper matapos silang mahulihan ng mga kemikal habang ibinabiyahe sa bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur province.

Sinabi ng pulisya na iniimbestigahan pa ang driver ng truck na nakilalang si Joeliver delos Santos dahil sa karga nitong kemikal na naharang ng mga miyembro ng Zamboanga Del Sur Provincial Public Safety Company kamakailan lamang.

Nabatid na galing ng Zamboanga City ang truck at patungo sana sa Davao City ng ito’y ma-intecept ng pulisya. Hindi maipaliwanag ng driver kung anong uri ng kemikal na kanyang dala at wala rin itong maipakitang papeles o dokumento sa cargo.

Nanatiling tikom ang bibig ng driver at agad naman ipinadala ng pulisya ang kemikal upang mabatid kung anong uri ito o sangkap ba sa paggawa ng mga pampasabog.

Mataas ang seguridad ngayon sa Zamboanga at Davao dahil sa banta ng terorismo at mga sympathizers ng grupong ISIS sa Mindanao. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 8,000 sako ng Malaysian rice nakumpiska
Next: Zamboanga mayor appeals for aid for fire victims

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.