
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 15, 2012) – Isang kilabot na magnanakaw ang natagpuan patay at pugot ang ulo sa isang dalampasigan sa Zamboanga City.
Kinilala naman ng pulisya ang napatay na si Muksin Akmad, ngunit hindi pa natatagpuan ang ulo nito. Mismong mga kaanak at pamilya ng biktima ang kumilala sa bangkay na napadpad sa Barangay Taluksangay.
Isa rin umanong mangingisda si Muksin at natagpuan rin ang kanyang banca sa di-kalayuan ng bangkay nito. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.
Ngunit may hinala ang pulisya na posibleng paghihiganti sa mga pagnanakaw nito ang dahilan sa pamamaslang. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Muksin. (Mindanao Examiner)