
MATI CITY (Mindanao Examiner / May 12, 2012) – Tukoy na umano ng pulisya ang dalawa sa tatlong killers ni radio broadcaster Nestor Libaton na itinumba sa lungsod ng Mati sa Davao Oriental province.
Sinabi ng pulisya na base sa testimonya ng mga witnesses ay nailabas ng mga awtoridad ang dalawang composite image ng killers ni Libaton. Ngunit hindi pa rin malinaw ang motibo sa pagpatay kay Libaton, 45.
Reporter at announcer si Libaton ng Catholic-run dxHM radio at hindi umano hard-hitting ito at kilalang mabait at masipag, ayon kay Nella Duallo, ang kasamahan nito.
Naka-angkas sa motorsiklo na minamaneho ng volunteer reporter na si Eldon Cruz ng paputukan si Libaton ng mga armado na naka-buntot sa kanila. Ng marining umano ito ni Libaton ay bumaba pa ito at kinompronta ang mga kalalakihan, ngunit tinira naman agad ito sa gitna ng kalsada.
Ayon kay Supt. Anthony Placido, ang deputy provincial police chief, ay maglalabas na sila ng warrants of arrest laban sa mga killers ni Libaton. (May karagdagan ulat ni Cesar Lanos)