Nais ni eight-division world champion Manny Pacquiao na mag-iwan ng magandang souvenir sa mga fans sa kanyang farewell fight sa Abril 9 sa Las Vegas.
At ang souvenir na ito ay ang manalo siya ng knockout laban kay Tim Bradley sa kanilang ikatlong paghaharap.
Sa pinakahuling panayam kay Pacquiao ng Rappler, inihayag ng Fighting Congressman na ayaw niyang mangako o magbigay ng prediksyon sa kanyang nalalapit na laban, pero nakatuon siya sa pag-iskor ng knockout bilang magsilbing magandang alaala sa kanyang mga fans.
“I’m trying to have a knockout in that fight. I’m not saying to predict the fight, but I’m trying to do my best so the people enjoy my last fight,” wika ni Pacquiao, na ipinagdiwang kahapon ang kaarawan ng magbahay na si Jinkee.
Ayon sa 37-anyos na si Pacquiao, alam na alam na niya ang istilo ni Bradley at kahit pa nagpalit ito ng trainer ay wala pa ring magbabago sa boksingero.
“He can [only] be Timothy Bradley. I know his style,” lahad ni Pacquiao.
Desidido si Pacquiao na huling laban na niya sa Abril 9 at pagkatapos ay magpopokus na nang husto sa pulitika.
Nakatakdang tumakbo sa pagka-senador ang Pambansang Kamao at kung papalarin, nais niyang mapaglingkuran nang husto ang kapwa Pinoy.
Si Pacquiao ay huling sumabak noong Mayo 2015 sa megafight kay Floyd Mayweather Jr.
Pero, sinamampalad na matalo via unanimous decision, kung saan nare-injured ang kanang balikat at kinailangang sumailalim sa surgery.
Tuluyan nang gumaling ang nasabing injury at mapapatunayan iyon sa pagsabak niya kay Bradley.(Abante)
Link: http://www.abante.com.ph/sports3/boxing/40651/knockout-win-target-ni-pacquiao.html