
SULU PROVINCE (Mindanao Examiner / July 16, 2013) – Nabigyan ng mga PVC pipes para sa kanilang patubig ang isang komunidad sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ni Provincial Engineer Abdurasad Baih na mismong si Gov. Totoh Tan ang nagbigay ng mga PVC pipes bilang donasyon sa komunidad matapos na lumapit sa butihing opisyal ang kinatawan nito upang maidulog ang proyekto.
“Maraming proyektong ang lalawigan at sa ngayon ay prayoridad ang lahat ng mga iyan dahil nais ni Gov. Totoh Tan na mas paigtingin pa ang mga ibat-ibang programa ng ating lalawigan na mapapakinabangan ng lahat,” ani Baih.
Tinatayang mahigit sa P300,000 ang halaga ng PVC pipes at tuwang-tuwa naman ang komunidad sa tulong na ibinigay ni Tan sa komunidad.
Ipinangako naman ni Tan na tuloy-tuloy ang proyekto ng pamahalaang-panlalawigan at prayoridad nito ang mahihirap na komunidad sa ibat-ibang bayan sa Sulu. (Mindanao Examiner)