Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Reynaldo Trota ng Barangay Colonia. Pinagbabaril ito habang bumabaybay siya sa sa Sitio Sayugan sa Barangay Maganda sakay ng kanyang motorsiklo.
Dead on the spot umano si Trota dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan. Naliligo ito sa sariling dugo ng maabutan ng mga parak na rumesponde sa krimen.
Sinabi ng pulisya na nabawi nila sa lugar ang mga basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol, ngunit hindi pa mabatid ang motibo ng pamamaslang o kung may kinalaman ba ito sa kanyang trabaho.
Ayon kay SPO2 Amirin Jamlani ng lokal na pulisya ay patuloy ang kanilang imbestigasyon sa naganap. (May ulat ni Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper