
KORONADAL CITY – Nabuksan na ngayon araw ang highway na nagdurugtong sa Koronadal City at General Santos City matapos na pansamantalang lumisan sa kalye ang mga magsasakang nagsasagawa ng rally bilang protesta sa kabiguan ng pamahalaang Aquino na matugunan ang kanilang hinaing – bigas – matapos na mawalan ng sakahan dahil sa matinding tag-tuyot sanhi ng El Nino.
Pinangungunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang naturang protesta sa hangarin na maiparating sa gobyerno ang hinaing ng mga magsasaka. Ilang araw na rin naabala ang mga motorista at biyahero matapos na masarahan ang highway dahil sa barikada ng mga magsasaka.
Sa kabila nito ay patuloy naman na dumarating ang mga donasyong bigas mula sa ibat-ibang sector. Humihiling ng 15,000sako ng bigas ang KMP para ipamahagi sa mga nagugutom na magsasaka at mamamayan mula sa ibat-ibang lugar sa Mindanao. Naglabas naman ng 2,000 bigas ang National Food Authority at Department of Social Welfare and Development at ibinigay rin ito ngayon sa mga magsasaka.
Nagmistulang “copycat” naman rally sa Koronadal matapos na makatanggap ng maram,ing donasyong bigas ang mga magsasakang nag-barikada sa Kidapawan City nitong buwan lamang, ngunit 3 naman ang nasawi doon matapos na lusubin ng pulisya sa utos ni North Cotabato Gov. Lala Mendoza ang protesta upang mabuksan ang highway doon.
Matapos ng gulo ay bumaha ang donasyon bigas para sa mga magsasaka sa North Cotabato mula sa pribadong sector. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper