
Si Kris Aquino at sina Melai Cantiberos at Jason Francisco habang namamasyal sa bayan ng Glan sa Sarangani province. (Kuha ni Martin Fernando)
SARANGANI (Mindanao Examiner / Feb. 8, 2013) – Dinayo ni Kris Aquino ang magandang lalawigan ng Sarangani para sa taping ng kanyang television talk show.
Kasama ni Kris si Melai Cantiberos at real-life lover nitong Jason Francisco na kung saan ay naispatan ang tatlo na namamasyal sa tabing-dagat ng Gumasa sa bayan ng Glan.
Ang Gumasa rin ang venue sa nalalapit na Sarangani Bay Festival na kung saan ay ipinag-diriwang doon ang pinakamalaking beach party sa Mindanao. (Mindanao Examiner)