
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 28, 2014) – Naibalik na umano ng National Grid Corporation of the Philippines ang serbisyo ng kuryente sa Mindanao, ngunit patuloy pa rin hanggang ngayon Biyeners ang brownout sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon.
Sa abiso ng NGCP ay sinabi nito na “power transmission service in Mindanao is now back to normal. All NGCP substations connected to backbone lines in Mindanao were connected to the grid.”
Ngunit hindi pa rin maipaliwanag ng NGCP – na isang pribadong kampanya na siyang namamahala sa distribusyon ng kuryente sa bansa – ang dahilan ng Mindanao-wide blackout na nagsimula noon Huwebes ng madaling araw.
“The NGCP is still determining the cause and will issue a statement when investigation is completed,” pahayag pa nito.
Ayon naman sa ibang ulat ay sinabi umano ni Energy Secretary Jericho Petilla na nagkaroon ng problema ang Agus 1 hydroelectric power plant sa Lanao del Norte, ngunit inaalam pa ng ahensya ang ugat nito o kung dahil ba ito sa linya ng NGCP o sa mismong planta.
Kanina ay ilang beses nagkaroon ng brown out sa Zamboanga City at gayun rin sa ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula. (Mindanao Examiner)