
ZAMBOANGA CITY – Binaril ng mga di-kilalang armado ang isang lalaki habang nagmamaneho ito ng kanyang kotse sa Zamboanga City.
Hindi pa mabatid ang lagay ng biktimang si Al-Wijar Mawallil, ngunit ayon sa pulisya ay tinamaan ito ng bala sa kanyang mukha.
Nagmamaneho si Mawallil kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Saavedra Street sa Barangay Santa Maria ng ito’y sundan ng 2 lalaking nakasakay sa motorsiklo at saka niratrat.
Mabilis rin tumakas ang mga armado, ngunit hindi pa malamang ng mga awtoridad ang motibo sa atake. Nabawi sa lugar ang isang basyo ng .45-caliber pistol. Walang pahayag ang pamilyang Mawallil sa naganap. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/