ZAMBOANGA SIBUGAY – Hindi na nasilayan ng isang lalaki – sa huling pagkakataon – ang kanyang pamilya matapos itong utasin kahapon ng madaling araw sa loob mismo ng isang videoke bar sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, ay dalawang beses binaril sa ulo at dibdib si Eduardo Berberio, Jr matapos na makipagtalo ito sa isang grupo ng mga lalaki sa loob ng El Sabongero Videoke House sa Lower Taway.
Kasama ni Eduardo ang dalawang pinsan at nagiinuman ang mga ito ng magkainitan ang dalawang grupo. Masuwerte naman ang dalawa at hindi sila pinatay ng dalawa sa mga nakasagutan ng biktima.
Agad rin tumakas ang dalawa sakay ng kanilang motorsiklo at dalawa pang iba ang sumabay sa mga ito.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso, ani Alabata, Ngunit hindi mabatid kung papaanong nakapasok ang mga suspek sa loob ng bar na may dalang baril. Hindi rin mabatid kung bakit walang mga parak na nagsasagawa ng Oplan Kapkap sa mga night club at beerhouse sa Ipil. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper