CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa aksong pagpatay ang isang lalaki na umano’y niluto pa ang pira-pirasong bangkay ng kanyang biktima sa lalawigan ng Bukidnon sa northern Mindanao.
Nakilala ang suspek na si Teddy Villegas, 35, na siyang itinuturong pumatay sa kapit-bahay nitong si Edwin Ma, 65. Natagpuan ang mga bahagi ng katawan ni Ma noong nakaraang lingo sa gitna ng sagingan sa bayan ng Lantapan.
Ayon sa pulisya, nakuha pa ang mga bahagi ng katawan ni Ma sa kaldero sa kusina ng bahay ni Villegas at hinihinalang niluto at kinain pa nito ang karne. Inamin naman ng pulisya na hirap makakuha ng pahayag kay Villegas at mukhang may sayad umano ito.
Palagi lamang tumatawa ang suspek sa tuwing tinatanong ng mga imbestigador kung bakit nito pinatay ang matanda at kung kinain ang karne ng biktima. Nais ipasuri ng pulisya sa isang doctor ang suspek upang mabatid kung ito ba ay nasiraan ng bait o nagpapanggap lamang.
Walang pahayag ang pamilya ng pinaslang o ang kaanak ng suspek. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper