
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / May 19, 2013) – Isang 28-anyos na magsasaka ang nagpatiwakal matapos ng mainitang pagtatalo sa kanyang sariling ama habang nagiinuman ang dalawa sa bayan nng Dumalinao sa Zamboanga del Sur province.
Sinabi ng pulisya na iniimbestigahan pa ang naturang pagpapakamatay ng biktima. Nabatid na nagbigti ito sa isang puno na katabi lamang ng kanilang bahay sa Barangay Malasik nitong Sabado.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima ang ang ama nito at naawat lamang ng pamilya ang pagtatalo ng dalawa, ngunit huling sambit ng anak sa ama ay sinabi nito na “Dili Naku Ninyu Makita Ugma (hindi na ninyo ako makikita bukas).”
Ngunit hindi naman ito pinansin ng ama sa pagaakalang naka-inom lamang ang anak at sumama ang loob sa kanilang pagtatalo. Ngunit laking gulat na lamang nito ng madiskubre ang bangkay6 ng anak na nakabitay na sa puno.
Problema sa pamilya at salapi ang sinasabing ugat ng pagtatalo ng ama at anak. (Mindanao Examiner)