Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Lalaki nahagip ng ligaw na bala sa Zambo; 1 huli sa indiscriminate firing sa Dapitan
  • Featured
  • Mindanao Post

Lalaki nahagip ng ligaw na bala sa Zambo; 1 huli sa indiscriminate firing sa Dapitan

Chief Editor December 22, 2015

ZAMBOANGA CITY – Iniimbestigahan kahapon ng pulisya ang pagkakabaril sa isang 50-anyos na lalaki matapos diumanong tamaan ng bala habang patungo sa bahay ng kanyang kapatid sa Zamboanga City.

Nakilala ang biktima na si Hawati Hanapi at sa kanyang salaysay sa pulisya ay nagmamaneho umano ito ng kanyang motorsiklo sa Barangay Santa Catalina hating-gabi ng Lunes ng maramdaman nitong may sugat siya sa hita.

Agad naman itong sumugod sa West Metro Medical Center na kung saan ay ipina-alam ito ng pagamutan sa mga awtoridad.

Sa inisyal ng pahayag ng pulisya ay wala umanong nakuhang kapsula ng bala o slug sa naturang lugar. Hindi naman mabatid kung may narinig bang putok ng baril ang mga residente sa lugar.

Kamakalawa lamang, isang 28-anyos na lalaking si Felix Cuenca na lango sa alak ang nadakip ng pulisya matapos itong magpaputok ng 9mm pistol sa loob ng kanilang bahay sa Dapitan City sa Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na mismong ang ina ni Felix na si Rafaela Sorela ang nagsuplong sa pulisya sa ginawa ng kanyang anak. Mabuti na lamang umano at nadisarmahan ito ng sundalong kapatid ni Felix na si Private First Class Arnel Sorela, 25, ng Special Operation Command, at isinuko ang armas sa mga parak.

Nagtangka pang tumakas si Felix ngunit hinabol naman ito ng mga parak at nadakip agad at ngayon ay nahaharap sa mga kasong kriminal.

Mahigpit ang pagpapatupad ng pulisya ngayon sa mga indiscriminate firing ng baril dahil sa Kapaskuhan at sa susunog na buwan ay magsisimula na ang gun ban bilang paghahanda sa darating na halalan. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 5 Sayyaf tigok sa marines
Next: Philippine peace adviser Teresita Deles being questioned over funds use

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 1
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 2
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 3
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 4
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing MixFlip2-June26-KV1 5
  • Business

New beginnings: Xiaomi Launches Xiaomi YU7, Xiaomi MIX Flip 2, Xiaomi Pad 7S Pro 12.5, and various AIoT Devices in Beijing

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.