
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 30,2013) – Anim na katao ang sugatan matapos silang pagtatagain ng isang lalaking nag-amok sa Cotabato City sa Mindanao.
Sinabi ng pulisya na napatay rin ang nag-amok na nakilalang si Uting Dumasil matapos itong barilin ng isang lalaki. “Nabaril rin yun nag-amok at anim nga yun casualties dahil sa pananaga nito,” ani Supt. Marcy Salting, ang tagapagsalita ng pulisya, sa panayam ng Mindanao Examiner.
Hindi naman mabatid kung bakit nagwala si Dumasil, ngunit may diperensya umano ito sa kanyang utak at halos mga kamag-anakan rin ang biktima nito.
Under medication umano si Dumasil ng bigla itong kumuha ng itak at saka hinabol ang mga kasamahan at saka pagtatagain. Walang ibinigay na pahayag ang pamilya ni Dumasil sa naganap na trahedya. (Mindanao Examiner. May karagdagang ulat mula kay Mark Navales.)