KIDAPAWAN CITY — Inaalam pa ng Carmen PNP kung anu ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang 26-anyos na lalaki.
Nangyari ang pamamaril sa Sayre National Highway, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas-3:45 ng hapon, Martes.
Kinilala ang biktima na si Esmael Sabang Mohamad na residente ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.
Batay sa ulat, ipaparada lng sana ng biktima ang kanya motorsiklo sa harap ng T&J travellers Inn ng siya ay pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek.
Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre. 45 na pistola na ginamit na krimen.
Patuloy pa ang imbestigasiyon sa insidente. Rhoderick Beñez