Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Lalaki tigok sa 4 hired killers

Lalaki tigok sa 4 hired killers

Editor April 1, 2014
PNP-2-copy19

DIPOLOG CITY (Mindanao Examiner / Apr. 1, 2014) – Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos itong tadtarin ng bala ng dalawa sa apat na armadong hired killers sa bayan ng Katipunan sa Zamboanga del Norte province.

Kinilala naman ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesperson, ang biktima na si Renato Santarita at nabatid na nakaupo lamang si Santarita sa harapan ng isang tindahan gabi ng Lunes ng may dalawang motorsiklo na may lulan ng apat na katao ang pumarada sa di-kalayuan.

Isa sa apat na armado ang biglang bumaril sa biktima at kahit sugatan ay nakuha pa nitong makatakbo palayo sa mga salarin, subali’t sumubsob naman ito sa lupa dahil sa tinamong sugat. Nilapitan pa ito ng kanyang salarin at saka muling binaril at hindi pa nakuntento ang kasamahan nito at bumaba pa ng motorsiklo at binaunan pa ito ng bala.

Isinugod pa ng kanyang mga kaanak at pamilya si Santarita matapos na tumakas ang mga salarin, ngunit dead on arrival na ito dahil sa maraming tama ng bala mula sa .45-caliber pistol. Nabawi ng mga imbestigador ng pulisya ang 8 basyo ng bala sa lugar at patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa motibo ng pagpaslang at kung sino ang nasa likod nito, ani Samuddin.

Walang ibinigay na pahayag ang pamilya ng biktima ukol sa pagpatay kay Santarita. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Young woman gives birth, abandons child in Zamboanga City
Next: Metal scrap buyer killed in Zamboanga City

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.