Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Lalaki, tinadtad ng bala sa Pagadian City
  • Featured
  • Mindanao Post

Lalaki, tinadtad ng bala sa Pagadian City

Desk Editor August 7, 2015

PAGADIAN CITY – Isang lalaki ang tinadtad ng bala ng mga di-kilalang salarin matapos itong ma-corner sa isang lugar sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Eduardo Bucol, 51. Natagpuan ang katawan nito sa Barangay Bulatoc na kung saan siya nasukol ng mga salarin.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo si Bucol ng ito ay harangin ng mga armado at saka pinagbabaril. Nagtangka pa umanong tumakas si Bucol at nakasibat ng halos 100 metro, ngunit dahil sa tinamong tama ng bala ay bumagsak ito sa Purok Mauswagon at doon na ito niratrat ng husto ng kanyang mga kalaban.

Nabawi ng pulisya ang isang .45-caliber pistol na hawak pa ni Bucol at isang magazine at mga bala at posibleng nagawa pa nitong makipaglaban. Natagpuan sa lugar ang apat na basyo ng .45-caliber pistol at apat na basyo ng automatic rifle.

Hindi pa mabatid ang motibo ng pagpatay at kung sino ang nasa likod nito, ngunit talamak ang patayan sa Pagadian dahil sa mga naglipanang guns-for-hire. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Pantawid Pamilyang Pilipino Program – Boon or Bane?
Next: DOH-ARMM to immunize 200,000 students

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.